KaBrigada kinakailangan na talagang maghigpit ng sinturon dahil maliban sa patuloy na paglobo ng presyo sa produktong petrolyo, pinangangambahan na ring tumaas pa ang presyo ng bigas kada kilo.
Inaasahan kasing tataas pa ng hanggang sa anim na piso ang kada kilo ng bigas sa pagtatapos ng taon.
Ayon kay Agriculture Undersecretary for policy and planning Fermin Adriano, sakali mang magtuluy-tuloy pa ang pagsipa ng presyo ng abono at petroloyo, asahan na talagang tataas din ang presyo ng bigas sa merkado.
Maliban pa rito ang pagbaba ng produksyon dahil sa tag-ulan.
Dahil dito, umapela ang DA sa gobyerno na madaliin pa ang pamamahagi ng subsidiya pambili ng fertilizer, pati na rin ang fuel subsidies para sa mga magsasaka.
#