Kinumpirma ng Department of Energy na hindi pa tapos ang serye ng pagtaas ng presyo ng langis.
Sa katunayan, sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na asahan na ang mga paggalaw ng presyo sa mga susunod pang linggo bagamat halos isandaang piso na ang kada litro ng petrolyo sa ilang lugar sa bansa.
Ipinaliwanag ni Abad na sa ngayon ay wala silang nakikitang dahilan para bumaba ang presyo ng langis sa world market.
Sa halip ay sinabi ni Abad na kabilang sa mga factors kung bakit magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ay ang ban ng European Union sa oil importation mula sa Russia, potential surge ng demand sa fuel sa summer season sa Northern Hemisphere at ang nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Nilinaw naman ni Abad na ang tatlong nakalibas na rollback ay dahil sa lockdown sa Beijing at Shanghai sa China.
Samantala, nilinaw ni Abad na kaya mas mataas ang presyo ng petrolyo sa Palawan kumpara sa ibang mga lugar sa bansa ay dahil sa kakulangan ng import terminals at ang mataas na transportation cost.(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#