Inaasahang maglalabas din ng hiwalay na resolusyon ang Department of Justice hinggil sa sarili nitong imbestigasyon sa mga opisyales at personnel ng Bureau of Immigration na sangkot sa ‘pastillas scheme’.
Ito ay kasunod ng ginawang paghahain ng kasong katiwalian ng Office of the Ombudsman sa 43 Immigration officers.
Sa pagayag, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hinihintay ang magiging pinal na ulat ng DOJ base sa isinagawa nilang parallel administrative investigation.
Iba pa ito sa una nang listahan ng mga respondents na inihain ng NBI sa Office of the Ombudsman para masampayan ng kasong kriminal.
Pagtitiyak ni Guevarra, bagamat pending pa ang mga administrative proceedings sa kanialng kagawaran, mamadaliin na nila ito para maresolba na ang mga kaso.
#