P5K yearly incentive sa mga guro at non-teaching staff sa Sorsogon City, aprubado na

SORSOGON CITY – Ganap nang ordinansa ang inihaing panukala ng Committee on Education sa Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon na pagbibigay ng dagdag na benepisyo sa lahat ng mga kaguruan at mga empleyado ng DepEd sa lungsod.


Ang nasabing ordinansa ay may titulong “An Ordinance Instituting an Annual Financial Incentives to all Public School teaching and Non Teaching Personnel in the City of Sorsogon” na unang iminungkahi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Sorsogon Chapter.


Sa panayam ng Brigada News FM kay ACT Sorsogon City Chapter President Narlyn Dechavez, inihayag nito na salig sa ordinansa, makakatanggap ang lahat ng teaching at non-teaching personnel sa lungsod ng P5,000 kada taon.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter


Irerelease ito tuwing December 16 na ayon kay Dechavez ay itinaon nila sa pagdiriwang ng pagkaka ratify ng batas na nagdedeklara sa Sorsogon bilang isang lungsod noong taong 2000.


Anya pa, ang mga teaching at non teaching staff na apat na buwan nang aktibo sa serbisyo ay makakatanggap ng buong P5000 habang kalahati naman ang matatanggap ng mga nasa serbisyo ng mas mababa sa apat na buwan hanggang isang buwan.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence


Paliwanag ni Dechavez, matagal na nila itong inilapit sa lokal na pamahalaan ng Sorsogon para maging isang ordinansa ngunit ngayon lamang umano nabigyan ng pansin.


Layunin kasi umano nila na maging lifetime ang nasabing benepisyo na kahit sinumang alkalde ang maupo ay magiging tuloy-tuloy ito.


Pangunahing may-akda ng ordinansa ay si Councilor Joven Francis Laura, Chairman ng Committe on Education at Co-authors naman sina Councilors Nestor Baldon, Danilo Deladia at Ma. Teresa Perdigon.###