P5.5M banana processing facility, ipinasakamay ng DA Region 2 sa grupo ng magsasaka sa San Agustin, Isabela

Pormal nang ipinasakamay ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 sa farmer cooperative and association ang banana processing facility sa pamamagitan ng High Value Crops Development Program (HVCDP) ng ahensya.

Ang naturang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng Bayanihan lI na nagkakahalaga ng 5.5 million pesos.

Tinanggap ito ng Isabela Cacao, Coffee and Banana Farmers Association sa bayan ng San Agustin, Isabela.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Inihayag naman ni National HVCDP Coordinator U-Nichols Manalo na tiyak na makatutulong ang naturang pasilidad sa mga magsasaka para magkaroon ng mas malaking kita sa pamamagitan ng pagproseso ng kanilang produkto.

Ayon naman kay Regional Director Narciso Edillo ng DA Region 2, na palaging handa ang kagawaran upang alalayan ang mga magsasaka sa pagmarket ng processed products hindi lamang sa rehiyon maging sa ibang bansa.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa katunayan ay nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa Cagayan Economic Zone Authority para sa posibleng exportation at industrialization.

Nagpasalamat naman ang LGU sa pangunguna ni Acting Mayor Larry Mark Lloyd Guerrero sa pagkakaloob ng naturang proyekto para sa kanilang nasasakupan.