P42-billion, inilipat sa budget department ng DOH para pagtakpan ang unobligation rate nito ayon sa ilang senador

Naniniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na inilipat ng Department of Health ang P42-billion na pondo nito sa isang opisina na nasa ilalim ng Department of Budget and Management para pagtakban ang unobligation rate at inefficiency nito.

Sa ginanap na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbong Committee kaugnay sa preliminary report ng Commission on Audit ay sinabi ni Drilon na nabigo ang DOH na gastusin ang P24-billion o 31.17 percent ng COVID-19 funds nito.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ipinunto ng senador na mas malaki pa ang hindi nagastos na pera ng DOH kung isasama pa ang pondong ipinasa sa procurement service ng DBM.

Ipinaliwanag naman ng DOH na nagdesisyon itong ilipat ang P24-billion sa procurement service para sa pagbili ng face masks, face shields at iba pang personal protective equipment para sa medical frontliners noong nakaraang taon.

Inihayag ni Health Undersecretary Carol Taiño na sobra-sobra nag PPEs ng PS-DBM sa kanilang online store na dahilan para ialok nila ito sa kanila.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Dahil diyan ay kinwestyon ni Senator Imee Marcos kung bakit nagawa ng ibang ahensya na ma-procure ang mga nasabing kagamitan para sa DOH, kahit mga ordinaryong gamit lang naman ang kailangan ng mga ito.

Binanggit rin ni Marcos na bumili ang DOH ng mamahaling face masks na P27 kada isa, habang overpriced naman ang face shields sa halagang P122 kada isa.