Hindi nagustuhan ng ilang labor groups ang pagkakaapruba ng National Capital Region Wage Board sa P35 na dagdag sahod sa mga minimum wag earners sa Metro Manila.
Ayon sa NAGKAISA Labor Coalition, hindi naman sapat ang umentong ibinigay ng wage board.
Bukod pa riyan, isa rin umano itong taktika upang ilihis at ilayo ang pansin ng mga manggagawa sa isinusulong nilang P150 kada-araw na dagdag sahod sa pamamagitan ng batas.
Nananawagan ngayon ang grupo sa Kamara na silipin ang hindi sapat na kasalukuyang sahod, at gumawa na ng hakbang para maisabatas ang P150 daily wage hike sa buong bansa.
Samantala, nanindigan naman ang Trade Union Congress of the Philippines na itutuloy nila ang laban para sa pagsasabatas ng P150 daily across the board wage hike.
Giit nito, pinahihiya lang ng P35 na wage increase ang mga mangaggawa.