Dating pangulong Duterte – pinabulaanang tatakbo siya sa Senado

Muling nilinaw ni dating pangulong Rodrigo Duterte na wala na siyang balak pang bumalik sa pulitika.

Ito ang kaniyang naging pahayag matapos sabihin ng anak niyang si Vice President Sara Duterte na tatlong mga Duterte ang tatakbo sa pagka-senador sa 2025.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Sabi ng dating pangulo, ‘tapos’ na siya sa larangan ng pulitika.

‘Laos’ na raw siya, at wala na rin siyang panggastos.

Tila wala ka rin daw makikitang isang ama, kasama ang kaniyang dalawang anak ay tatakbo sa Senado.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Sa huli, sinabi niyang ipagpapasa-Diyos na lang niya ang mga susunod na mangyayari at kaniyang mga plano.

Kung maaalala, maliban kay dating pangulong Duterte, sinabi rin ni VP Sara na tatakbo rin para sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang kaniyang mga kapatid na sina Davao Rep. Pulong Duterte; at Davao City Mayor Baste Duterte.