Albino Alligator, nasarapan sa pagkuskos ng keeper

Kabrigada, nakakita ka na ba ng alligator na tuwang-tuwa kapag tinatanggalan ito ng naipon na algae sa katawan?

Makikita sa viral video ngayon sa X ang isang Albino Alligator na galak na galak habang pinapadaanan ng toothbrush ang balat sa likod at batok nito ng kaniyang keeper.

Ayon sa siyensya, natitipon umano sa balat ng mga alligator ang green algae at floating vegetation sa tubig na pinaninirahan nito na karaniwang dumidikit sa likod nila.

“Sooooooo cool!!! So you can see that the most dangerous animals also have a soft side!” Comment ng isang X user.

Ayon naman sa nabanggit na keeper, wala pa raw siyang ibang nakitang albino alligator na gaya nito na kita ang saya sa mukha tuwing binubrush ang likod. ### Nico Merciales, Intern

Screenshot from @AMAZINGNATURE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *