P340K halaga ng ilegal na droga, nasabat sa Batangas City

Umaabot sa P340,000 na halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga otoridad mula sa isang tulak sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Alangilan, Batangas City.

Kinilala ng Batangas Police Provincial Office ang suspek na si alyas ‘Lovely’, nasa legal na edad at residente ng Muntinlupa City.

Ayon sa imbestigasyon, aktong nahuli ng mga otoridad ang suspek na nagbebenta ng ilegal na droga sa pulis na nagpanggap na buyer nitong gabi ng Nobyembre 15.

Narekober kay alyas Lovely ang nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000.00.

Nakuha rin mula sa kanya ang isang coin purse, cellphone, shoulder bag, at mga pera.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng BPPO ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *