P340 halaga ng shabu nasamsam ng PDEA at PNP sa buy bust operation sa Naga City

NAGA CITY- Timbog sa buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Camarines Sur katuwang ang PNP Naga Police Station 6 at PDEA Camarines Norte ang ikinukunsiderang other High Value Target.

Kumagat sa pain ang target na si Cesar Novelo , 45-anyos ng Barangay Del Rosario Naga City.  P700K sana ang unang usapan sa transaksyon  sa parking area ng isang mall sa parehong Barangay ngunit 50-gramo lamang ang nabili ng pumosteng buyer.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Nagkakahalaga ang dalawang pakete ng item ng P340K.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Depensa ni Novelo, courier lamang siya.Hindi kaniya ang produkto, napag-utusan lamang.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay Novelo habang patuloy na inaalam ng PDEA ang mga kasabwat nito.