NAGA CITY- Umabot na sa P300,000 ang pabuya sa makakapagturo sa responsable o mga responsable sa pagpatay sa Senior High School Student na si Roselle Bandojo ng Naga City.
Kasabay ng pagpapaabot ng pakikiramay at pagsisiguro na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay estudyante, inanunsyo ni Mayor Son Legacion na P100,000.00 ang inilaan nilang pabuya. Pagtutulungan aniya ng LGU at kapulisan na panagutin ang sinumang may gawa ng krimen.
Sinabi rin ni Liboton Punong Barangay Ronald Luntok , na naglaan ng parehong halaga ang negosyanteng si Nonoy Magtuto. Bukod dito kinumpirma rin sa Brigada News FM Naga ni Office of the 3rd District Representative Chief of Staff Abang Mabulo na P100,000.00 din ang inilaan ni Cong. Gabby Bordado.
Ayon kay Mabulo, sa tulong ng mga pabuya sana ay mapadali ang paghahanap ng hustisya. Nanawagan din ito sa mga otoridad na lalong pang magsikap na maiwasan ang krimen upang mawala ang takot ng komunidad. Gayundin sa mga LGU na bigyang pansin ang mga proyekto sa CCTV at pailaw.