Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga supermarket, retailer o malalaking grocery store na hindi susunod Suggested Retail Prices (SRP).
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay DTI Assistant Secretary, Amanda Nograles, sinabi nito na mismong ang kanilang mga tauhan ang nag-iikot-ikot at nagmo-monitor ng presyo ng mga basic and prime commodities sa mga pamilihan para tiyaking sumusunod ang mga ito sa SRP.
Kung maalala, napipintong muling maglabas ng panibagong SRP Bulletin ang DTI dahil sa may mahigit 60 na mga produkto ang magtataas ngayong taon base sa mga petition na ipinasa ng mga manufacturing company.
Samantala, binalaan ng naturang ahensya ang mga manufacturer na huwag pagsamantalahan ang mga mamimili sa pamamagitan ng “Shrink-flation” kung saan lumiliit, gumagaan at nababawasan ang dami ng ilang produkto ngunit nananatili pa rin sa dati ang presyo nito.