Pinayagan ng Court of Appeals si dating Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na makabiyahe papuntang Singapore at United States, para dumalo sa professional leadership at public policy courses.
Si Trillanes ay nakatakdang dumalo sa mga programa sa Lee Kuan Yew School of Public Policy ng National University of Singapore mula Aug. 29 hanggang 31, at sa Kennedy School of Government sa Harvard University mula Sept. 11 hanggang 16.
Ito ay sa kabila ng naunang hold departure order na inilabas ng Makati City regional trial court laban sa kanya, kaugnay sa kasong libel.
Sa inilbas na resolusyon, kumbisido ang mga Associate Justices na sina Michael Ong, Marlene Gonzalez-Sison, at Gabriel Robeniol, ang accused-appellant ay hindi flight risk at entitled para sa temporary lifting ng kanyang ban para makabiyahe travel abroad.
Pinagbasehan rin sa kanilang desisyon, ang mga naunang records ng ni Trillanes na nagbibiyahe sa ibang mga bansa sa kabila ng kanyang mga pending na criminal cases, pero bumabalik naman ng Pilipinas, at nagko-comply sa mga kondisyon na ipinapatupad sa kanya ng korte.
