P3.1 million na halaga ng illegal drugs, nakumpiska ng PDEA So.Cot

KORONADAL CITY- NAKAKUMPISKA ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA South Cotabato ng P 3.1 million na halaga ng ilegal na droga mula noong Enero hanggang Setyembre ngayong taon sa mga anti-illegal drugs operations nito sa lalawigan.

Inihayag ni PDEA South Cotabato intelligence officer Marc Janry Cubalan na ito ay kinabibilangan ng 13,000 marijuana plants, 30 grams ng dried marijuana leaves, at 73 grams ng shabu.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Ito ay nakumpiska mula sa 23 mga entrapment at search operations sa mga high value targets.
Ang mga marijuana plants mula sa upland plantation sa bayan ng Tampakan ay nabunot noong buwan ng Enero.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Ito ay nagkakahalaga ng P 2.6 million.

Sa naturang mga operasyon, 25 mga drug personalities ang naaresto habang 29 na mga kaso naman ang naisampa sa korte.