Aabot sa tatlong-piso ang itataas ng tinapay na Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal sa susunod na buwan.
Ayon sa lokal na grupo ng mga tagagawa ng tinapay ito ay matapos tumaas ng halos 45 porsiyento ang presyo ng harina.

Simula sa Feb. 8, tataas ang retail price ng 450-grams Pinoy Tasty sa P38.50 mula sa dating P35 , habang ang 250-grams Pinoy Pandesal na may 10 piraso ay tataas sa P23.50 mula sa dating P21.50.
Ito ang kauna-unahang pagtaas ng presyo ng tinapay simula noong 2016.
Inihayag naman ni Johnlu Koa, tagapagtatag ng Philippine Baking Industry Group (PhilBaking),na ang mga retail na presyo ng tinapay ngayon ang pinakamamahal mula nang mabuo ang kanilang grupo noong 2011.