P227. 095M proposed annual budget ng LGU Basud para sa FY year 2024 lusot na sa ikalawang pagbasa

CAMARINES NORTE – Lusot na sa ikalawang pagbasa sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan ang P227. 095 milyon na proposed annual budget ng Lokal na Pamahalaang bayan ng Basud, Camarines Norte para sa taong 2024.

Kasama sa isinumiteng budget ng Alkalde ang appropriations para sa mga bagong plantilla position na nilikha ng SB gayundin ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Programs, projects and activities para sa calendar year 2024 na kinuha mula sa 6- year MDRRM Plan na saklaw ang taong mula 2022- 2027.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu
Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ayon sa SB naka comply naman sa lahat ng requirements ang Executive department alinsunod sa budgetary guidelines.

Inaasahang sa sususnod na linggo ay makakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang proposed annual budget ng nabanggit na LGU.