P20M inilaan sa flood control project sa isang barangay sa Naga

NAGA CITY – Kinumpirma ni Liga President at Ex Officio City Councilor Corazon Peñaflor na may flood control projects na gagawin sa Vilmar Subdivision sa Barangay Calauag.

Ang naturang proyekto kontra sa baha ang nagkakahalaga ng 20 milyong piso ayon kay Peñaflor.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga sa punong barangay sinabi nito na for implementation na lamang ang projects dahil inaasikaso pa ang ilan sa mga requirements nito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Anya’y karagdagang drainage canal ang ilalagay sa lugar para wala ng tubig na makulong sa lugar kun nagkakaraoon ng walang humpay na pag uulan, gaya ng nangyari noong nakaraang mga linggo.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang naturang lugar ay binaha ng halos abot baywang na siyang ikinatakot ng mga residente dahil sa panganib na epekto nito sa kanilang kalusugan kaya tinututukan ang mga proyekto rito.

Ang Vilmar Subdivision ay nasa dulong bahagi na ng Barangay Calauag ay isa sa urban poor projects ng LGU.