Kahalagahan ng pagsunod sa preemptive at force evacuation, binigyan diin matapos ang pagkasawi ng 5 rescuers sa Bulacan

NAGA CITY- Mahalagang sumunod sa iniuutos na preemptive at force evacuation kapag may kalamidad partikular na bagyo.

Ito ang reaksyon ng Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Lupi matapos ang pagkasawi ng limang rescuers sa Bulacan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa kasagsagan ng Bagyong Karding.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon kay MDRRM Officer Garry Cruz, nakaranas na rin sila ng matinding pagbaha noong 2020 na umabot rin sa bubong ng ilang bahay ang tubig kaya batid nila ang hirap ng sitwasyon sa pagsagip ng buhay.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sana aniya ay hindi ipinagwawalang bahala ang kapakanan ng mga rescuers.