P2.7M na halaga ng tanim na marijuana, binunot at sinunog sa Kalinga

Binunot at sinunog ng mga otoridad ang mga tanim na marijuana na nagkakahalaga ng 2.7 milyong piso sa Tinglayan, Kalinga.

Ito ay matapos magsagawa ng marijuana eradication operation ang mga kasapi ng Kalinga PPO, RID/RSOG/RPDEU, RIU 14 at PDEA Kalinga kung saan nadiskubre ang plantasyon ng marijuana na may lawak na 1,350 square meter.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Nasa mahigit 13,000 na piraso ng fully grown na tanim na marijuana ang binubot at sinira ng mga operatiba.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ang naturang operasyon ay tinawag na “OPLAN 15 Muggles” na bahagi pa rin ng patuloy na kampanya para malinis ang mga drug-affected areas sa lalawigan ng Kalinga.

Photo: Kapulisan ng Kalinga