CAMARINES SUR- Timbog sa operasyon ng PNP Nabua ang 33-anyos na lalaki ; aabot naman ng P2.7 million na halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam rito nitong Linggo Hulyo 7.
Kinilala ang naaresto na si alyas “Ala” na siyang target sa buy bust operation ng Nabua PNP at Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU) ng Camarines Sur Provincial Police Office (PPO).
Nakipagtransaksyon ito sa halagang P340,000.00. Nakuha pa sa posisyon ng suspek ang nasa walong heat-sealed plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na aabot sa 400 grams at may street value na mahigit ₱2 .7 million.
Ayon kay PCPL Jonard Bofete, tagapagsalita ng Nabua PNP High Value Individual ang naturang suspek. Mabuti na lamang aniya at nasamsam upang maiwasan ang pagkasira ng buhay ng mga bibili sana nito.
Nasa kustodiya na ngayon ng Nabua MPS ang suspek na sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.