Iminungkahi ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng P1,000 hazard pay kada buwan sa lahat ng barangay tanod bilang insentibo sa ginagampanan nilang tungkulin sa mga komunidad.
Ayon kay Estrada, na malaki ang ambag ng mga brgy. tanod sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.
Sinabi pa ng senador na ang mga tanod ang nagpupuyat sa gabi at nagsisilbing frontliner kaya nakapahalaga maibalik ang kanilang pagod.
Sa inihain na Senate Bill No. 794, inirekomenda ni Estrada na bigyan ng buwanang P1,000 bilang hazard pay ang mga tanod.
Kukunin ang unang pondo sa badyet ng Department of Interior and Local Government (DILG), saka isasama sa mga susunod na implementasyon sa budget ng local government units (LGUs).
