P1B cryptocurrency, nawala kay Ronnie Alonte matapos mabiktima ng Bukas-Kotse Gang sa Cavite

Inihayag ni Ronnie Alonte ang pagkawala ng P1B sa cryptocurrency matapos na mabiktima sila ng kasintahan si Loisa Andalio ng Bukas-Kotse Gang sa kanilang cafe sa Bacoor, Cavite noong December 1.

Higit sa tatlong iPhone ang naiulat na ninakaw at ibinunyag ni Ronnie na mayroon ding P1B na halaga ng crypto currency doon na ngayon ay hindi na mababawi.

Ang cryptocurrency ay isang anyo ng digital currency na ngayon ay itinuturing na alternatibong paraan ng pagbabayad.

Ibinunyag ni Ronnie na nakita niya ang isa sa mga magnanakaw matapos  pasukin ang kanyang sasakyan sa pamamagitan ng windshield.

Sa ngayon,  nagpapatuloy ang pulisya sa kanilang imbestigasyon upang mahuli ang mga suspek na tumangay ng gamit ng celebrity couple.//CA