Magtutulog-tulong ang mga bansang Japan, Britain at Italy upang makagawa ng sixth-generation fighter jet.
Sa joint statement ng tatlong bansa, kanilang inanunsyo ang Global Combat Air Program na lilikha ng bagong fighter jet na kailangan dahil sa dumarami umanong bilang ng mga pagbabanta at pagpapalaks na rin ng security ties ng mga nabanggit na bansa.

Sabi pa sa pahayag , na ang pagtatanggol sa kanilang demokrasya, ekonomiya at seguridad, at pagprotekta sa katatagan ng rehiyon ang higit na mahalaga.
Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ng gobyerno ng Britanya na ang pagbuo ng bagong warplane ay inaasahang magsisimula sa 2024, at ito ay inaasahang lilipad sa 2035.
May kakayahan din itong magdala ng mga makabagong armas militar.//CA