Tinatayang aabot sa P150Billion na halaga ng pamumuhunan ang maiuuwi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kaniyang Japan visit.
Sa isang panayam, sinabi ni Philippine Ambassador to Japan Mylene Garcia-Albano na magkakaroon ng ‘substantial returns’ ang official trip ng Pangulo.
Makapupulong niya raw kasi ang daan-daang mga top Japanese tycoons, maliban pa sa nasa 8,000 mga trabaho na maaaring ma-generate ng mga naturang investments.
Kabilang sa mga inaasahang makaka-meeting ni Marcos ay ang ilang top executives ng iba’t ibang kumpanya kabilang na sa mga larangan ng electronics, semiconductors productions, at iba pang industrial fields.
Kung maaalala, bukas, araw ng Martes ay nakatakda nang lumipad ang Pangulo papunta sa Japan.
Nakatakda rin ang meeting niya kasama sina Japanese Emperor Naruhito at Empress Masako.
Una na ring inanunsyo ng Foreign Affairs Department ang nasa pitong mga ‘key-bilateral agreements’ na malalagdaan sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas at ng Japan.
