P120 milyon, inilaan sa mga insurgency cleared na barangay sa Cagayan

Naglaan ang Department of Interior and Local Government- Region 2 ng 120 milyon pesos na pondo para sa anim na barangay sa probinsya ng Cagayan na idineklarang cleared mula sa impluwensiya ng CPP-NPA-NDF.

Ito ang inihayag ni DILG Region 2 Project Evaluation Officer Donne Angelo Oñate sa Tipon-Tipan ng PIA region 2.

Aniya, ang 6 na identified barangay na idineklara nang insurgency cleared ay kinabibilangan ng Apayao at Villa Reyno, Piat, Balanni Sto Niño, Minanga, Anurturu at Liwan, Rizal, Cagayan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dagdag pa nito, kada barangay ay makatatanggap ng 20 milyon pesos na pondo sa ilalim ng Support To Barangay Development Program(STBDP) ng NTF-ELCAC sa pamamagitan ng DILG.

Isa umano itong localized program ng EO 70 kung saan nagtutungo ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa mga identified barangay na Malaya na sa insurhensiya upang magsagawa ng serbisyo caravan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Sa naturang caravan ay inaalam ng mga ahensya ang pangunahing proyekto at programa na kinakailangan ng mga barangay upang maipaloob sa STBDP program ng DILG na popondohan ng National Government.

Kabilang sa mga proyektong ipinatutupad sa naturang mga barangay ay farm-market road, water systems, solar dryers, farm sheds, livelihood projects, electric posts, at konstruksyon ng health station at eskwelahan.