P10M ibibigay ng DOH sa Naga City para sa Super Health Center 1

NAGA CITY- P10M ang ibibigay ng Department of Health Central Office sa Naga City para sa pagpapatayo ng  Super Health Center 1.

Kasabay ng paggunita ng ika-124 na Araw ng Kalayaan nagkaroon ng Memorandum of Agreement Signing ang DOH at Lokal na pamahalaan ng Naga para sa naturang pasilidad sa maikiling programa sa Plaza 15 Martires.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Magkakaroon ng Birthing Facility, Consultation Center, Dental Center at iba pang kinakailangan na serbisyong-medikal para sa mamamayan.  Ipinagpasalamat naman ito ng LGU Naga.

Bukod sa magiging bagong pasilidad, nagpapatuloy ang konstruksyon ng Naga City Hospital 2.

Kasabay din nito binigyan ng pagkilala ang mahigit 300 na miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) na nagsilbi sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Samantala, bilang pagbibigay pa ng serbisyo may kaugnayan sa kalusugan at maging malaya sa mga karamdaman , magkaroon ng  Mega Health Caravan sa Plaza Quezon, timing naman dahil linggo at holiday, tinangkilik ang programa.