Amnesty International kinumpirma ang daan-daang sibilyan na napatay ng Russia sa Ukraine

Kinumpirma ng Amnesty International na daan-daang sibilyan ang napatay ng Russian troops sa north-eastern Ukrainian city ng Kharkiv gamit ang indiscriminate shelling ng ipinagbabawal na cluster munitions.

Ayon sa AI, may nakuha silang ebidensiya na paulit ulit na gumamit ang Russia ng 9N210/9N235 cluster bombs at “scatterable” munitions-rockets.

Read More:  Thousands evacuated in Taiwan as Typhoon ‘Bavi’ approaches

Sinabi naman ni Human Rights Watch Senior Researcher Mark Hizney na base sa kanilang nakitang mga ebidensya ng pinsala sa ilang lufar sa Kharkiv ay mula sa cluster munitions.

Matatandaan na naging controversial ang cluster munition dahil nagdi-detonate ito sa ere at magri-release ng cluster ng mas maliliit na bomba kung saan malawak ang tatamaan nito na peligroso sa mga sibilyan.

Read More:  Thousands evacuated in Taiwan as Typhoon ‘Bavi’ approaches

Una nang lumagda sa kasunduan ang mahigit sa 120 na mga bansa para ipagbawal ang paggamit ng cluster munitions.