LGU officials at employees dumalo sa pagdiriwang ng ika- 124th Philippine Independence Day sa Pinaglabanan Shrine sa bayan ng Basud kahapon

CAMARINES NORTE- Dumalo sa pagdiriwang ng ika- 124th  Philippine Independence Day kahapon, June 12, ang mga opisyal at kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte sa makasaysayang Pinaglabanan Shrine na matatagpuan sa naturang bayan.

Pinangunahan ni Mayor Adrian Davoco at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang pag- aalay ng bulaklak sa ginawang maikling programa.

Bago ito ay dumalo muna sa misa ang LGU Officials at employees sa St. Raphael the Archangel Parish Church at pagkatapos ay ginawa ang parada mula sa simbahan hanggang sa Pinaglabanan Shrine.

Sa kaniyang mensahe, binigyang diin ni Mayor Davoco na sa panahong ito kung saan mayroong mga bagong halal na lider ay ito aniya ang pagkakataon na dapat magkaisa at ipakita ang pagmamahal sa bansa.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Aniya, dapat gawin ng bawat isa ang kanilang trabaho at mag ambag para muling umangat ang ekonomiya ng bansa na nilugmok ng pandemya at sa patuloy na krisis na nararanasan ngayon dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na dahilan din upang mabilis na tumaas ang presyo ng mga bilihin.

Makasaysayan ang Pinaglabanan Shrine dahil dito unang naganap ang bakbakan sa pagitan ng pinagsanib na pwersa ng mga gerilya Pilipino at Amerikano at Japanese Imperial Army.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Nangyari ito madaling araw ng Disyembre 18, 1941, labingisang araw matapos ang nangyaring pambobomba sa Pearl Harbor sa Hawaii noong ika- 7 ng Disyembre ng taong ding iyon, o sampung araw matapos ang pag- atake sa Clark Airbase.

Ang pinagsanib na pwersa ng mga gerilya at USAFFE Units sa ilalim ng pamumuno ng bayaning si Gat. Wenceslao Q. Vinzons ay buong tapang na nakipaglaban sa mga mananakop.

Itinayo ang naturang historic landmark upang alalahanin ang isang bahagi ng kasaysayan na nagpapakita ng kabayanihan at kagitingan ng mga Pilipino partikular ng mga taga Camarines Norte.