P10k ayuda, matatanggap ng mga displaced Saudi OFWs

Lumagda ang Department of Migrant Workers at ang Department of Social and Welfare Development ng isang memorandum of agreement na layong mabigyan ng tulong ang mga displaced overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ang mga naturang OFWs na ito ay ang mga hindi nabayarang empleyado ng kanilang mga amo bunsod ng mga na-bangkaroteng kumpaniya mula pa noong 2015.

Makatatanggap sila ng tig-P10,000 na financial aid na mare-release sa loob ng dalawang linggo.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Tiniyak naman ni Migrant Workers Sec. Toots Ople na aalagaan nila ang mga apektadong OFWs hanggat nagpapatuloy pa ang ‘quiet’ negotiations sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas at ng Saudi.
#