P100 wage hike, posibleng magdulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin – DOLE

Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa posibleng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa gitna ng posibleng isandaang pisong dagdag sahod sa mga pribadong sektor.

Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, na bagama’t siya ay sumasang-ayon na ang pagtaas ng sahod ay magtataas ng purchasing power ng mga manggagawa, nagbabala ito na maaaring magkaroon din ito ng epekto sa micro at small businesses.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Aniya, karamihan sa mga negosyante, ay nabibilang sa maliliit na kategorya.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Laguesma na naghahanap na ang ahensya ng mga posibleng interbensyon upang matulungan ang mga micro at small business sakaling tumaas ng isandaang piso ang minimum wage.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Matatandaang, inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong taasan ang daily minimum wage para sa mga manggagawa ng pribadong sektor.