Umabot sa P1, 910, 800 na halaga ng marijuana at shabu ang nasabat sa isinagawang tatlong operasyon ng Police Regional Office – Cordillera Administrative Region sa Kalinga, Benguet at Baguio City kahapon, ika-20 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Sa naging operasyon sa Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga ay nadiskubre ang isang plantasyon ng 9, 000 na fully grown marijuana na nagkakahalaga ng P1, 800, 000.
Aabot naman sa 520 na tanim na marijuana ang nakumpiska sa Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet kung saan nagkakahalaga ito ng kabuoang P104, 000.
Arestado naman ang 32-anyos na high value individual sa Baguio City matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng kapulisan na nagresulta sa pagkakumpiska na isang gramo ng umano’y shabu at nagkakahalaga ng P6, 800.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa naaresto.