Aabot sa 50 pulis mula sa 1PMFC at 2PMFC ang isasailalim sa 15-araw na training para maging ‘Pulis sa Barangay.’
Pagkatapos ng pagsasanay sa ilalim ng Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB) Program, idideploy ang mga ito sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS) at urban barangays sa lalawigan.
Ang training ay magbibigay ng espesyal na kasanayan sa mga pulis sa
pagpapanatili ng kapayapaan at pagtugon sa mga karaniwang problema sa komunidad para masiguro ang tuloy-tuloy na pagkamit ng tagumpay ng community support programs. Layunin kasi ng RPSB na makuha ang tiwala at mailapit ang pamahalaan sa mga mamamayan.



Habang nasa ilang buwang ‘community immersion,’ ang mga pulis sa barangay ay magsasagawan ng iba pang gawain, tulad ng pagsasagawa ng lecture sa mga paaralan tungkol sa programa ng DILG na ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) at iba pang serbisyo.
Ang RPSB ay ipinakilala noong 2011 at pinalawak noong 2019, ito ay naglalaman ng pangako ng PNP sa community-oriented policing habang ang mga alagad ng batas ay nagtatrabaho upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa mga barangay kung saan sila nakatalaga.
Ang opening ceremony ng RPSB ay isinagawa noong Miyerkules, Hunyo 19 sa loob ng Camp Salvador Escudero Sr., ito ay dinaluhan ng Guest of Honor and Speaker na si Regional Director PBGen Andre P. Dizon, Prov’l Administrator Franco Eric O. Ravanilla at representative ng DILG-Sorsogon.
