BNFM Bicol-KINUMPISKA ng mga kawani ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol ang aabot sa PHP1.8 million na halaga ng mga hindi lisensyadong produkto sa 68 mga establisyemento sa iba’t ibang mga probinsya sa rehiyon.
Ito ang datos ng departamento simula Enero hanggang ngayong buwan ng Hunyo taong kasalukuyan.
Sangkot dito ang aabot sa 15 mga violators mula sa Albay, Camarines Norte na may 10, Camarines Sur na may 11, 8 sa Catanduanes, Masbate na may (9), at ang lalawigann naman ng Sorsogon ay mayroong 15.
Ilan sa mga nakumpiskang kagamitan ay brake fluid, plywood, low-carbon steel wire, hand blenders, hand mixers, electric toasters, extension wires, coffee makers, rice cookers at iba pa.
Lahat ng mga violators ay inisyuhan ng DTI Bicol ng notice of violation dahil sa kanilang paglabag sa Product Standards Law at iba pang probisiyon ng Consumer Act of the Philippines. ### Nico Merciales, Intern