Online services ng pagkuha ng ilang mga dokumento online, libreng inihahandog ng Tech4ED Mercedes

CAMARINES NORTE – Maaari nang makakuha ang mga mamamayan ng ilang mga importanteng dokumento online nang libre, sa tulong ng Tech4ED katuwang ang Information and Communications Technologies ng Department of Science Technology (DOST) sa munisipalidad ng Mercedes.

Ilan sa mga libreng dokumentong puwede nilang makuha ay ang mga sumusunod: Birth Certificate, Marriage Certificate, Death Certficate, at Certificate of No Marriage (CeNoMar).

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Maaari din na mag process sa kanilang tanggapan ng appointment sa pagkuha ng police clearance, NBI clearance, at maging passport, at babayaran na lamang ito ng mga kukuha sa mismong tanggapan na pinagkuhan nila ng taransaksyon.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Layunin ng programang ito na makatulong sa mga mamamayan na makabawas sa kanilang mga bayarin; gayundin, ay mabigyan ng pag-agapay ang mga kliyenteng hindi gaanong bihasa sa paggamit ng kompyuter.

PHOTO COURTESY: MUNICIPALITY OF MERCEDES – PUBLIC INFORMATION OFFICE