P1.5M na pondo para sa atletang makakasungkit ng gintong medalya sa Palarong Pambansa 2024, inilaan ng DepEd Bicol

BNFM Bicol- INILAAN ng Department of Education (DepEd) Bicol ang aabot sa P1.5M pondo bilang cash incentives para sa mga atletang makakasungkit ng gintong medalya sa gaganaping Palarong Pambansa na magsisimula sa Hulyo 9 hanggang 16 sa syudad ng Cebu.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Target umano ng ahensya na makakuha kahit ng 20 gintong medalya at makapasok sa Top 5 regions sa nasabing kompetisyon.

Sa ngayon, handa na umanong sumabak ang 749 na mga atleta, coach, at ibang mga delegado mula sa rehiyon sa nabanggit na aktibidad. Samantala, naglaan naman ng mahigit P10M ang ahensya para sa pagkain, uniforms, at iba pang mga gastusin ng mga atleta. # # # Nico Merciales, Intern

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Photo from DepEd