Ilang maggugulay sinanay sa tamang pagpapake ng mga produkto

Sinanay ng Department of Agriculture o DA CALABARZON ang ilang mga maggugulay sa probinsya ng Batangas, hinggil sa tamang pagpapake ng kanilang mga produkto.

Ito ay sa ilalim ng programang High Value Crop Development ng naturang ahensya, na naglalayong maipakilala sa mga maggugulay ang makabagong teknolohiya na makakatulong sa kanilang produksyon.

Ilan sa tinalakay sa naturang programa ay ang mga dapat nilang gawin upang magkaroon sila ng maayos na ani.

Kabilang na rito ang wastong pag-aalaga ng lupang kanilang tataniman, pag-aabono ng mga pananim at ang tamang pagpapake at pagbabyahe ng mga gulay patungong merkado.

Samantala, labis naman na nagpapasalamat ang mga dumalo sa pagsasanay at malaking tulong anila ito para magamot nila sa kanilang paghahanapbuhay.