Na-septic shock na guro sa Texas, pinutol ang mga kamay at paa

Nagsimula sa inakalang sipon lang ang sintomas ng sakit ng high school teacher Sherri Moody mula Texas.

Nahirapan na umano siyang huminga at nilagnat kaya minabuti na nitong pumunta at magpakonsulta sa doktor.

Na-diagnose siya na may double pneumonia, isang severe lung infection na karaniwang dulot ng streptococcus o bacteria na nagdudulot ng strep throat.

Napunta naman sa septic shock o kritikal na kondisyon na nagpapahina sa kanyang blood pressure na maaari pa umanong maging banta sa kaniyang buhay.

Naging desisyon ng mga doktor na ilagay siya sa comatose state at binigyan ng medication para ibalik ang blood flow sa vital organs niya na ikinahina naman ng daloy ng dugo sa kanyang extremities.

Dahil dito, opisyal nang na-mummify ang mga kamay at paa niya na naging hudyat sa mga medical professionals na nag-aalaga sa kanya na putulin na ang kanyang mga bias. # # # Nico Merciales, Intern

Photo from Photos from Sherri Moody

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *