P1.5M, ilalaan sa mga naapektuhan ng ASF sa Surallah

KORONADAL CITY — MAGLALAAN ng P1.5 million na pondo ang municipal government ng Surallah sa mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever o ASF.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Surallah Mayor Pedro Matinong Jr., tulong umano ito sa mga hog raisers na nawalan ng pangkabuhayan dahil sa ASF.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Gagamitin umano ang pondo bilang bayad sa mga baboy na isinailalim sa culling dahil sa kaso ng nasabing sakit.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Napag-alaman na kabilang sa mga barangay na lubos na naapektuhan ng ASF sa Surallah ay ang Naci, Dahay at Moloy.