OVP, walang request na confidential and intelligence funds, pero hiling na total budget nadagdagan

Matapos maging kontrobersyal ang confidential fund ng Office of the Vice President nitong mga nakalipas na taon, walang hiniling na confidential ang OVP para sa susunod na taon.

Sa kabila nito sinabi ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman sa press briefing sa Malacañang na nadagdagan ng walong porsyento ang hiling na total budget ng Office of the Vice President sa 2025.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Nasa 2.037 billion pesos daw ang hiniling na budget ng OVP.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

188.5 million dito ay ilalaan para sa personal services, habang ang pinaka malaking bahagi o 1.79 billion pesos ay ilalaan sa maintenance and other operating expenses, at 56 million naman para sa capital outlay.