Nabawasan ng walong porsyento ang hiling na pondo ng Office of the President para sa travel expenses ni Pangulong Bongbong Marcos sa susunod na taon.
Sa press briefing sa Malacañang, iniulat ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman na nasa 1 billion 54 thousand pesos lang ang proposed budget ng OP sa National Expenditure Program.
Nabawasan ito ng 94 million pesos o 8% decrease kumpara sa 1.148 billion na alokasyon ngayong 2024.
Ayon kay Pangandaman, posibleng mabawasan ang mga local at foreign trip ng Pangulo sa susunod na taon dahil dito.