DOH, ‘di irerekumenda ang pagde-deklara ng public emergency sa Pilipinas para sa mpox

Ipinaliwanag ni Department Of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na may “low fatality rate” ang monkeypox sa bansa dahil maaaring isang mahinang uri ito ng mpox na sinabi ng World Health Organization.

Ito ay ang variety ng sakit na tinatawag na clade II.

Read More:  OVP reports 92.32% budget utilization for 2025

Ayon kay Herbosa, ang impeksyon ng 33 taong gulang na lalaki na tinamaan ng sakit ay maaaring mahinang uri rin lamang ng mpox, lalo’t wala naman itong travel history sa labas ng bansa.

Read More:  Taguig police officer faces administrative complaint over alleged child harassment

Samantala, hindi naman inirerekomenda ng kalihim kay Pangulong Bongbong Marcos ang pagdedeklara ng public emergency.

Ito ay sa gitna ng mababang bilang ng mpox cases, at dahil din sa “low fatality rate.”