Muling ipinauubaya ng Office of the Vice President sa Kamara ang pagtalakay sa 2025 proposed budget nito sa plenaryo.
Sa liham ni Vice President Sara Duterte kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na siyang sponsor ng kanilang budget, kinumpirma nito na natanggap nila ang hiling na pulong para pag-usapan ang proposed expenditure.
Ngunit naisumite na aniya nila ang lahat ng dokumento at komprehensibo naman ang naiprisintang overview sa Appropriations Panel noong August 27.