Isang babae na nagngangalang Maria Kramer ang nagpahayag ng isang nakakabahalang insidente na naganap sa kanyang sariling tahanan sa Buncag ng Barangay Mandaragat sa Puerto Princesa City.
Ayon sa kanyang post, habang siya ay nakaupo malapit sa kanilang gate at abala sa kanyang cellphone, isang lalaki na kanyang nakikita na madalas na dumadaan sa kanilang bahay ay biglang huminto sa harap ng kanilang gate.
Ang lalaki, na ayon sa kanya ay mukhang “high na high at wala sa sarili”, ay bigla na lamang naghubad ng short at pinakita sa kanya ang private part.
Sa kabila ng pagkabigla, agad niyang sinigawan at minura ang lalaki upang itigil ang kanyang ginagawa at para umalis.
Sa kasamaang palad, hindi agad umalis ang lalaki at tila may balak pang pumasok sa kanilang bahay. Dahil dito, lalo pang lumakas ang sigaw ni Maria hanggang sa tuluyan ng tumakbo palayo ang lalaki.
Pagbabahagi pa niya, kinabahan siya sa nangyari at nag-alala para sa kanyang bunso na kasama niya sa bahay nang mga oras na iyon.