NAGA CITY- Hangad ng Naga City Government ang Over All success ng aarangkada na ngayong araw Abril 24 na Modified Palarong Bicol 2023 sa kabila ng maikling panahon na paghahanda bilang cluster host.
Plinantsa ng mga departamento ng LGU , interagency at Department of Education Naga sa pangunguna ng baguhang Acting Schools Division Superintendent na si Dr. Susan Collano ang lahat. Ayon kay Coun. Lito Del Rosario ng Chairman ng Committee on Education , kung hindi man ma-piferfect, sana ay walang malaking problema lalo na sa mga billeting schools at sports facilities.
Hangad naman ng opisyal na maipakita muli ng mga Nagueño ang magandang pagtanggap sa mga bisita.
Mababatid na mahigit dalawang libong delegado ang nasa Naga mula sa 12 mag SDOs.
Ang awarding ceremonies at closing program ay pangungunahan din ng Schools Division Office of Naga City.