LEGAZPI CITY – Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang lalaki matapos pagsasaksakin sa isang sayawan sa bayan ng Daraga, Albay.
Kinilala ang nasawing biktima na si Domingo Seba ng Purok 3, Brgy. Bañadero ng nasabing bayan, habang ang suspek naman ay si Rany Mapa Y Murillo, residente ng Purok 4, Brgy. Kilicao ng kaparehong bayan na boluntaryo namang sumuko sa mga otoridad.
Sa ulat, biglang nilapitan ng suspek ang biktima sa labas ng covered court kung saan ginaganap ang nasabing atibidad at pinagsasaksak ito.
Nagtamo ang biktima ng maraming saksak dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Ayon din sa report, alitan dala ng selos ang itinuturong dahilan ng suspek sa nagawang krimen.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong Murder.