Pumalo na sa kabuuang 18 ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon, ito ay matapos na muling makapagtala ng apat na bagong kaso nitong weekend.
Sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Provincial Health Office (PHO) Sorsogon nitong Sabado, tatlong indibidwal ang nadagdag na kinabibilangan ng 78 anyos na lolo mula sa Barangay Rizal, Gubat, at ang 32 at 33 anyos na kapwa Health Care Workers na parehong residente ng lungsod ng Sorsogon; kahapon naman araw ng linggo isang 65 anyos na lola ang nag positibo.
Nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) Sorsogon na inaasahan na nila ang Covid surge ngayong summer season dahil sa mas maraming pagkilos ng tao magmula sa bakasyon dahil sa mga biyahero, mga handaan dahil sa mga pistahan, mga alumni homecomings at pagdagsa ng turista mula sa ibat ibang panig ng bansa at foreign tourists kung kaya’t doble ingat pa rin sa mga matataong lugar at huwag kalilimutan ang pagsusuot ng face mask at pagpapalakas ng kanilang resistensiya para iwas hawa ng Covid-19.
