Outreach Program isinagawang ng PNP Maddela

Namahagi ng mga school supplies sa mga anak ng pulis ang mga miyembro ng Maddela Police Station sa kanilang isinagawang Outreach Program.

Pinangunahan ito ni PMaj Francisco D Liwag, Chief of Police ng Maddela Police Station katuwang ang CIS-RG (Citizen’s Initiative Support Riders Group) Maddela Chapter.

Nagsagawa din ang mga ito ng feeding program at dental mission na pinangunahan ni Dra. Ann Christine Almueda- Duldulao, Dentist II ng Maddela District Hospital at Libreng Gupit.

Nagpasalamat ang mga benepisyaryo sa mga kapulsian sa kanilang mga natanggap na serbisyo.

Photo credit: Maddela Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *