NAGA CITY- Kawalang ng respetong maituturing para sa multi-sectoral group sa Naga City ang pagsabay ng mga aktibidad o outreach programs ng Naga City Police Office sa pagtitipon sana sa ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ito ang pahayag ng multi sectoral group na inilabas sa media. Sa pinag-isang mensahe ng BUNYOG Partylist, Free Legal Assistance Group (FLAG), Musika Publiko, Bagong Alyansang Makabayan at ilan pa.
Hindi umano ito ang unang pangyayari, nahaharang na anila ang ang katapatan. Ngayon naipa reserba sa Mayor’s Office ng PNP ang lahat ng Plaza, hindi nabigyan ng permit ang mga organisasyon. Kinukuwesyon din ang pag hingi ng permit gayong pampublikong lugar naman. Ayon sa isang konsehal puwede naman gamitin ang kalahati ng Plaza, pero ayon sa mga grupo hindi magiging malinaw ang mga mensahe dahil sa kani-kanilang sound systems.
Sinabi ni Nelsy Rodriguez , Chairman ng Bayan Camarines Sur kung hindi talaga papayagan sa mga Plaza, tuloy ang pagkilos sa kalsada para buhayin para sa kanila ang diwa ng matahimik sa EDSA People Power 1.
Tumangging magbigay ng mensahe ang PNP pero sinabing kinikilala nila ang karapatan ng bawat organisasyon o sibilyan.