NAGA CITY- Susumpa na sa pwesto ang mga local officials ng Naga City ngayong araw kasabay ng ika 74th Charter Anniversary.
Gaganapin ang pagsumpa ni Mayor Son Legacion at Vice Mayor Nene De Asis sa Plaza Quezon mamayang alas 5:30 ng hapon pati ng mga miyembro ng 14th Sanguniang Panlungsod. Ibinalik ang tradisyon na dati nang ginagawa noong 1948 na sa plaza nanunumpa.
Ayon kay City Events Protocol and Public Information Office Chief Allen Reondanga si Outgoing Vice Presidente Leni Robredo ang mag a-administer ng kanilang oaths-of-office.
Katuwang ng LGU ang Naga City Police Office para sa seguridad habang Public Safety Office naman ang traffic management dahil may isasarang kalsada.
Samantala, nakasaad sa Republic Act 9210 na local holiday ngayon sa Naga dahil sa anibersaryo ng pagiging Chartered City.